"KATIPS HAKOT AWARD SA "FAMAS"

PELIKULANG "KATIPS", BIG WINNER SA KATATAPOS NA 70th FAMAS AWARDS NIGHT

Humakot ng parangal ang musical film na "Katips" ng Philstagers Films sa katatapos lang na ika-70 edisyon ng FAMAS Awards Night.

Pito ang naiuwing parangal ng Katips, kabilang ang Best Picture, sa ilalim ng direksyon ni Atty. Vince Tañada, na siya namang itinanghal na Best Director at Best Actor.

Ang kwento ng Katips ay tungkol sa paghihirap na dinaranas ng mga Pinoy noong panahon ng rehimeng Marcos.

Isa pang award ang nadagdag kay Kapamilya actress, MMK host at dating executive na si Charo Santos-Concio, na nanalong Best Actress para sa pelikulang "Kun Maupay Man It Panahon".

Isa pang Kapamilya ang pinarangalan ng FAMAS, ito ay si Janice de Belen, na itinanghal na Best Supporting Actress sa pelikulang "Big Night!". Best Supporting Actor naman si Johnrey Rivas para sa Katips.

Wagi rin ang Katips para sa Best Musical Score, Best Song (Sa Gitna Ng Gulo), at Best Cinematography.

Narito po ang buong listahan ng mga nanalo sa FAMAS Awards Night 2022:

BEST PICTURE
Katips / Philstagers Films 

BEST ACTRESS
Charo Santos-Concio
Kun Maupay Man It Panahon / Globe Studios, Black Sheep, Dreamscape Entertainment and Cinematografica

BEST ACTOR
Vince Tañada
Katips

BEST SUPPORTING ACTRESS
Janice De Belen
Big Night! / Cignal Entertainment, The IdeaFirst Company, Octobertrain Films and Quantum Films

BEST SUPPORTING ACTOR
Johnrey Rivas
Katips

EXEMPLARY AWARDEE IN PUBLIC SERVICE
Sen. Imee Marcos

LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEE
Tessie Agana

FPJ MEMORIAL AWARDEE
Sen. Jinggoy Estrada

SUSAN ROCES CELEBRITY AWARDEE
Nora Aunor

HALL OF FAMER FOR BEST ACTOR
Allen Dizon

HALL OF FAMER FOR BEST EDITING
Jess Navarro

BEST DIRECTOR
Vince Tañada
Katips

BEST SCREENPLAY
Jun Lana
Big Night!

BEST CINEMATOGRAPHY
Katips

DON JOSE P. PEREZ MEMORIAL AWARDEE
Moira Lang

2ND OUTSTANDING PUBLIC SERVICE AWARD
Dr. Edinell Calvario

1ST OUTSTANDING PUBLIC SERVICE AWARD
Cong. Christopher De Venecia

GERMAN MORENO YOUTH ACHIEVEMENT AWARDEE
Ranz Kyle and Niana Guerrero

FAMAS PRESIDENTIAL AWARDEE
Cong. PM Vargas

1ST ANGELO "ELOY" PADUA MEMORIAL AWARD FOR JOURNALISM
Renz Sprangler

BEST EDITING
A Hard Day

BEST ORIGINAL SONG
Sa Gitna Ng Gulo
Katips

BEST MUSICAL SCORE
Pipo Cifra
Katips

BEST SOUND
Albert Michael Idioma, Alex Tomboc, Pietro Marco Javier
A Hard Day

BEST VISUAL EFFECTS
Santelmo Studio
My Amanda

FAMAS 2022 BEST SHORT FILM
See You, George

Comments

Popular posts from this blog

"BENTE PESOS NA BIGAS"

Phenomenal Star Vice Ganda Emotional sa naging sagot ni Herlene Budol sa Katatapos lang na Binibining Pilipinas