"GIMIK" Lang daw ang pag tatapos ng Ang Probinsyo
PAGTATAPOS NG "FPJAP", GIMIK LANG DAW?!
Bumwelta si Kapuso headwriter Suzette Doctolero sa napipintong pagtatapos ng Kapamilya teleserye na "FPJ's Ang Probinsyano"
Ayon sa manunulat ng maraming Kapuso serye, "gimik" lang umano ang sinasabing "Pambansang Pagtatapos" ng FPJAP, at tila niloloko lang umano ng mga bumubuo ng serye ang mga manonood.
Kwento pa ni Doctolero sa isang mahabang komento, noong 2016 pa sinasabi ng FPJAP na magtatapos na raw iyon, noong panahong magkatapat pa sila ng "Encantadia", at ginagawa nila iyan kapag "bagsak" ang ratings. At ngayon raw ay ginagawa nila ulit ang naturang bagay ngayong "nilalapa" raw ng "Lolong".
"Nanloloko lang pala at hindi naman totoo at gusto lang balikan sila ng audience. Sa totoo lang, style nila 'yan na kapag bagsak sila sa ratings ay gigimik sila na magwawakas na pero hindi pala. Sus'ko, since 2016 pa ay nagsasabi sila lagi na mag-e-end na pero nanloloko. Ayan na naman sila, porke't nilalapa sila ng 'Lolong'. Asus, tigilan ako!" bahagi ng komento ni Doctolero.
Sa pitong taong pamamayagpag ng FPJAP, ito ang isa sa consistent number one sa mga pinakatinututukang teleserye sa bansa, mapa-TV, online o digital. Iminarka ng FPJAP ang pinakamataas na TV ratings nito noong Oktubre 4, 2018, sa 47.2%, habang nasa mahigit 350,000 ang pinakamataas na YouTube real-time concurrent views na inani ng palabas sa kasaysayan.
Comments
Post a Comment