RR ENRIQUEZ, MAY "HONEST OPINION" SA PAGGANAP NI JANE DE LEON BILANG SI "DARNA"

RR ENRIQUEZ, MAY "HONEST OPINION" SA PAGGANAP NI JANE DE LEON BILANG SI "DARNA"

Sa isang bahagi ng panayam sa kanya ni Mama Ogie Diaz, ibinahagi ng aktres at host na si RR Enriquez ang kanyang "honest opinion" sa pagganap ni Jane De Leon bilang si "Darna".

Ayon kay RR, bagamat pinuri niya ang pag-arte ni Jane, hindi raw niya nakikita ang karakter ng Darna sa Kapamilya actress.

"Sobrang OK siya pero nung nakita ko siya, yung sa trailer, magaling din siyang umarte pero hindi ko nakikita sa kanya 'yung character as Darna," ayon sa dating Wowowee co-host.

Bagamat ayaw raw nitong maging judgmental, tila inihambing niya si Jane kay Liza Soberano na hindi raw kailangang magpakita ng laman para masabing siya na si Darna. Tahasan ding sinabi ni RR na "bland" o walang dating si Jane kahit maganda siya.

"I don't want to be judgmental, pero syempre, 'di ba, si Liza Soberano, 'di ba?! Parang iba 'yung effect n'ya eh, kung siya 'yung magiging Darna. Parang hindi kailangan ni Liza na magpa-sexy para ipakitang Darna siya. Parang Liza itself is OK na. Si Jane, in my own opinion, bland talaga yung dating niya. Maganda siya pero meron naman talagang ganun, eh," pagpapatuloy pa ni RR.

Si Liza Soberano sana ang gaganap sa role ng Pinay icon superheroine ngunit kinailangang umatras kasunod ng kanyang finger injury habang nasa set pa siya ng seryeng "Bagani", kung kaya't nagpa-audition ang Kapamilya Network para sa bagong gaganap na Darna, kung saan, napili nga si Jane.

Marami ding pinagdaanang hirap at sakripisyo si Jane bago nito marating ang kanyang kinalalagyan bilang isa sa mga aktres na aabangan ngayon sa industriya. Makikita na ang bunga ng kanyang pinaghirapan kapag naipalabas na ang Mars Ravelo's Darna simula Agosto 15.

Comments

Popular posts from this blog

"KATIPS HAKOT AWARD SA "FAMAS"

"BENTE PESOS NA BIGAS"

Phenomenal Star Vice Ganda Emotional sa naging sagot ni Herlene Budol sa Katatapos lang na Binibining Pilipinas