VICE GANDA, GUSTONG MAG-PRODUCE NG SOLO CONCERT PARA KAY KLARISSE DE GUZMAN

VICE GANDA, GUSTONG MAG-PRODUCE NG SOLO CONCERT PARA KAY KLARISSE DE GUZMAN

Sa Tawag Ng Tanghalan segment, matapos ang "Battle of Versions" segment kung saan ipinarinig ang iba't ibang bersyon ng classic hit na "How Am I Supposed To Live Without You", pinag-sample naman ng hosts ng Kapamilya noontime show na It's Showtime si Your Face Sounds Familiar Season 3 grand winner at isa sa mga hurado ng TNT na si Klarisse De Guzman ng ilang linya ng nabanggit na awitin na orihinal na kinanta ng yumaong Laura Branigan at pinasikat rin ni Michael Bolton.

Labis na humanga doon si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa ipinakita ni Klang, na runner-up rin sa unang season ng The Voice. Kaya naman gusto ni Meme Vice na mag-produce s'ya ng solo concert para sa Kapamilya diva dahil para sa kanya ay deserve ni Klang ang magkaroon ng solo concert at mas mapansin ang kanyang talento dahil sadyang magaling itong kumanta at nadadala niya ang kahit sinong makakapakinig sa kanyang mga awitin.

Comments

Popular posts from this blog

"KATIPS HAKOT AWARD SA "FAMAS"

"BENTE PESOS NA BIGAS"

Phenomenal Star Vice Ganda Emotional sa naging sagot ni Herlene Budol sa Katatapos lang na Binibining Pilipinas